Tutulungan ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna lalo ang booster shot.
Ayon kay PHAPI President Dr. Rene De Grano, ito’y dahil maraming booster dose ng bakuna laban sa COVID-19 ang hindi pa nagagamit hanggang sa ngayon.
Binigyang diin nya na bago pa masira ang mga bakuna ay mahalagang maiturok ito sa mga indibidwal. —sa panulat ni Airiam Sancho