Iniakyat na ng Pharmaceutical company na Sanofi ang kanilang apela sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito ng binawing Certificate of Product Registration (CPR) ng dengvaxia, ang kontrobersiya na bakuna kontra dengue ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kanila nang ipinauubaya kay Pangulong Duterte ang pagpapasiya sa apela ng Sanofi.
Magugunitang noong Agosto, ibinasura ng DOH ang apela ng Sanofi matapos na pagtibayin ang desisyon ng Food and Drug Administration na bawiin ang CPR ng dengvaxia dahil sa kabiguang maisumite ang mga post marketing requirements nito.
Samantala, nanindigan si Duque na sakaling muling payagang magamit at maibenta ang dengvaxia sa bansa, kinakailangan pa rin ng paghihigpit at pag-iingat.
Tulad aniya ng pagbabawal na magamit ang dengvaxia para sa mass immunization at pagtitiyak na may history na ng dengue ang batang babakunahan nito.