Nagpaalala sa publiko ang local pharmaceutical company na Unilab kaugnay sa tamang pag-inom ng paracetamol.
Kasabay na rin itong napapaulat na maraming kaso ng nagkakalagnat, ubo at sipon sa bansa.
Ayon sa Unilbab, kailangang masunod ang inirekomendang dose sa pag-inom ng gamot upang maging mabisa laban sa sakit.
Habang ipinaalala rin nito ang ibang gamot na tanging sa sakit ng katawan at lagnat lang ginagamit.
Ang dalawang doses ng gamot para sa mga adult ay kailangang isa hanggang dalawang 500 milligram tablets na iinumin kada apat hanggang anim na oras.
Hindi rin ito dapat lumagpas sa maximum na walong tablet kada araw o 4,000 milligrams ng paracetamol kada araw.—sa panulat ni Abby Malanday