Pinayagan na ni Senator Richard Gordon si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong na bisitahin ang anak nito na tinamaan ng dengue.
Sa inilabas na pahayag ng Senate Blue Ribbon Committee, may itinakdang oras at panahon ang komite upang mabisita ni Ong ang kaniyang anak.
Babantayan ito ng Komite, Senate Sergeant at Arms maging ang Pasay City Jail.
Una rito, naghain ng mosyon si Ong para sa kaniyang kalayaan o ilagay na lamang sa house arrest.
Parte si Ong ng maanomalyang kontra ng gobyerno sa pagbili ng overpriced na covid-19 supplies at equipment. —sa panulat ni Abby Malanday