Nakikipag-ugnayan na ang Pamahalaan sa Pharmacies at Drugstores hinggil sa posibilidad na gamitin ang mga ito bilang Vaccination sites.
Ito, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa, ay dahil maraming Healthcare workers na ang nagka-COVID-19 at ilang vaccinators ang kailangang bumalik sa mga ospital.
Naghahanap anya ang gobyerno ng alternatibo sa pagbabakuna sa kabila ng kakulangan sa mga magbabakuna at isa sa nakikita nilang solusyon ang paghingi ng tulong mula sa pribadong sektor.
Samantala, tiniyak naman ni Herbosa na sapat ang supply ng bakuna sa bansa.