Pinapayagan na ngayon na magturok ng bakuna kontra COVID-19 ang mga pharmacists sa bansa sa pamamagitan ng immunizing pharmacist certification program.
Ito ang inihayag ng Philippine Pharmacist Association o PPHA kung saan accredited na ang asosasyon ng Professional Regulatory Board of Pharmacy o PRC para mag-sanay at magbigay ng sertipikasyon sa mga Pilipino pharmacist na makapagbakuna.
Sa pamamagitan umano nito, maaari nang magamit ang kanilang serbisyo bilang immunizers sa mga itinalagang vaccine sites ng Department Of Health.
Sinabi ng PPHA na kailangan munang iprisinta ng isang pharmacist ang kaniyang certificate bilang katunayan na siya ay sumailalim sa pagsasanay bago payagan itong magbakuna.