Pinabubusisi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung nagbayad ba ng 12% Value Added Tax (VAT) ang kumpaniyang Pharmally.
Ito’y ayon kay Drilon ay matapos niyang mabisto na kumita umano ang Pharmally ng halos P400-M sa loob ng tatlong buwang pagbebenta nito ng mga medical supplies sa gobyerno.
Batay aniya sa hawak niyang datos, sinabi ni Drilon na dahil sa laki ng kinita ng Pharmally mula Abril hanggang Hunyo ay dapat magbayad ito ng buwis salig sa umiiral na National Internal Revenue Code.
Ibinunyag pa ni Drilon na lumalabas ding hindi manufacturing company ang Pharmally kung hindi isang trading company na nag-aangkat ng medical supplies sa China at ibinebenta naman dito sa Pilipinas. —sa panulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)