Muling ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig nito kaugnay ng mga iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng medical supplies sa kumpaniyang Pharmally.
Hindi sumipot sa ikatlong pagkakataon ang executive ng Pharmally na si Krizle Mago matapos isiwalat nito na dinaya nila ang gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalit ng expiration dates ng sinuplay nilang face shields.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nanghinayang siya nang hindi nito maisiwalat ng buo ang kaniyang mga nalalaman dahil may mga sumingit sa pagsagot nito sa kaniyang pagtatanong.
Gayunman, ang mga naisiwalat ni Mago sa naunang pagdinig ay mananatiling valid dahil under oath ang mga ito at bunga ng free will o hindi pinuwersa. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)