Umalis na sa kustodiya ng Kamara si dating Pharmally Official Krizle Mago na isa sa mga sangkot sa umano’y pagbili ng pamahalaan ng mamahaling ppe set sa gitna ng pandemiya.
Ayon kay House Good Government and Public Accountability Panel Chairman Michael Aglipay ng DIWA Party-list, sumulat umano si Mago sa leadership noong nakaraang linggo kung saan, nais na niyang matanggal ang protective custody sakaniya ng Kamara.
Agad naman itong inaprubahan ng House of Representatives. —sa panulat ni Angelica Doctolero