Pinalaya na sa senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation President Twinkle Dargani.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, inaprubahan nila ang pagpapalaya kay Daragani bilang Humanitarian Consideration sa pag-aalala ng Ina nito sa kanyang Mental Health condition bukod pa sa nagpositibo ito sa COVID 19.
Nagkasundo anya sila ni Blue Ribbon Comittee Chairman Richard Gordon na palayain ang Pharmally Official bagay na sinang-ayunan naman nina Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon.
Bagaman pinalaya upang makapiling ang Inang si Deepa Dargani, nangako ito na laging pahaharapin ang anak kapag kailangan ng Kumite.
Magugunitang nakulong ang nakababatang Dargani sa Senado at kapatid na si Mohit maging si Linconn Ong ng Pharmally matapos i-contempt ng Blue Ribbon Committee dahil sa hindi pagbibigay ng financial documents ng kumpanya.
Nananatiling nakakulong sa Pasay City Jail si Mohit kasama si Ong kaugnay pa rin sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies sa Pharmally. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)