Nakabili ng Porsche 911 Turbo S na nagkakahalaga ng P8.5-M ang Company Secretary ng Pharmally na kinilalang si Mohit Dargani.
Ito ang lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalya at overpriced na mga face masks at iba pang medical supplies.
Maliban sa Company Secretary napag-alaman din ng Kumite na may Lamborghini na nasa higit P13-M ang halaga naman ang kapatid nitong si Twinkle Dargani na Presidente ng naturang kumpanya.
Habang si Pharmally Director Linconn Ong naman ay nakabili ng tatlong high end cars na isang Lexus at dalawang Porsche.
Magugunitang napag-alaman na ang Pharmally Pharmaceutical Corporation ay may 650,000 lamang na capital pero nakakuha ito ng proyekto sa pamahalaan na nasa P8-B ang halaga.