Umarangkada na ang phase 2 ng roll-out ng vaccination para mga menor de edad na may comorbidities sa Metro Manila.
Ayon sa DOH, ginanap ang ceremonial program ng pediatric groups sa Cardinal Santos Medical Center, Hospital ng Parañaque at Quezon City General Hospital.
Sa ngayon ay mayroon nang 23 ospital na kabilang sa vaccination roll out sa pediatric groups.
Una nang nagsimula ang roll out ng phase 1 noong nakaraang linggo kung saan nasa 5,781 kabataang may edad 15 hanggang 17 ang nabakunahan na.