Umarangkada na ang phase 3 clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 ng pharmaceutical company ng Johnson and Johnson na Janssen sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST), bagama’t hindi na nila idinetalye kung kailan ito eksaktong nagsimula.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, sakop ng pagsisimula ng clinical trial proper ang screening o pagsala sa mga pasyente, recruitment at mismong pagbabakuna.
Samantala, tumanggi rin si Guevarra na magbigay ng impormasyon kung ilan ang mga participants sa clinical trial, bagama’t patuloy pa rin silang nananawagan sa mga nais makibahagi dito.
Habang isinasagawa naman aniya ang trial ngayon sa Metro Manila.
Magugunitang Disyembre ng nakaraang taon ng aprubahan ng DOST ang aplikasyon ng Janssen para magsagawa ng phase 3 clinical trial ng kanilang bakuna kontra COVID-19 dito sa Pilipinas.