Napatunayan sa late-stage clinical trial na isinagawa ng Moscow Gamaleya Institute sa Sputnik V na 91.6% epektibo ito laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa resultang kinuha mula sa 19,866 na volunteers na nagpaturok ng naturang bakuna na gawa ng Russia kung saan binigyan ng dalawang dose ng bakuna ang bawat isa sa pagitan ng 21 araw.
Batay sa ulat ng Reuters, ilan sa mga volunteers sa trial ay kinakitaan din ng higit na mas mataas na magandang epekto ng bakuna matapos silang mabakunahan na umabot sa 91.8% effectivity rate.
Samantala, ilan din sa mga nabakunahan na ay mga matatanda na naman hindi kinakitaan ng seryosong side-effect, habang 100% mabisa naman ito sa mga may moderate hanggang severe na COVID-19, ito ay matapos silang maturukan ng unang dose.—sa panulat ni Agustina Nolasco.