Napapanahon na upang ma-phase out ang mga lumang barkong yari sa kahoy kaalinsabay ng itinutulak na modernisasyon sa Domestic Shipping Industry sa bansa
Iyan ang isinusulong ng MARINA o Maritime Industry Authority katuwang ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan gayundin ng pribadong sektor
Ayon kay MARINA Officer-in-Charge Administrator Vice Admiral Narciso Vingson Jr, kailangang makasunod na ang mga ginagamit na barko ng mga pilipino na gawa mula sa Techologically Imrpoved Hull Materials
Nabatid na handang suportahan ng DBP o Development Bank of the Philippines ang pagpopondo sa naturang hakbang upang maging Globally Competitive na ang mga barkong pinoy
Maaaring makakuha ang mga pilipino ng perang halaga ng isang modernong barko bilang utang na maaaring bayaran ng hanggang 15 taon