Inilunsad sa Shanghai City sa China ang phased COVID-19 Lockdown.
Layon nito na mapigilan ang pagtaas ng mga kaso ng virus sa lugar, na pinalala ng Omicron.
Ipapatupad ito sa kalahating bahagi ng Eastern ng Shanghai, simula ngayong araw, gayundin sa kanlurang bahagi nito sa Abril 1.
Nitong linggo iniulat ng National Health Commission ng China na mahigit 4,500 na bagong kaso ng sakit, kung saan milyon-milyong residente ang apektado ng Citywide lockdowns.