Malinaw ang mensahe ng pamahalaan sa mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon na seryoso ito sa mga ipinatutupad nilang pagbabago sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Iyan ang binigyang diin sa DWIZ ni DOTr senior consultant Engr. Alberto Suansing kasunod ng nakatakda sanang pagbabalik kalsada ng mga tradisyunal na jeepney anumang araw ngayong linggong darating.
Ayon kay suansing, ikinakasa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga guidelines para sa muling pagbabalik ng mga tinaguriang hari ng kalsada.
Huling sinabi ni secretary Harry Roque na hindi nakakatiyak ‘noh. Tama naman ‘yun ‘di ka nakakatiyak kung makakalabas pero sabi ng LTFRB is pine-prepare nila ‘yung guidelines para diyan sa tradisyunal jeepney at ‘pag natapos ‘yan ay makakalabas na sila sa susunod na linggo. Hindi lang natin madi-determine kung anong araw sa susunod na linggo sila mag-uumpisa makalabas ang maliwanag doon is hindi lahat sila makakalabas ano. Dahil kino-kontrol pa rin natin ang daming sasakyan naglalayag sa kalsada. ani Suansing
Iginiit pa ni Suansing na hindi naman hahadlangan ng DOTr ang pagbabalik kalsada ng mga tradisyunal na jeepney basta’t makasusunod lamang ito sa itinakdang mga panuntunan para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Ah ‘yung phaseout talagang darating ‘yan. Kasi ‘pag sinabing phaseout papalitan ng bagong anyong sasakyan ‘yung maluwag o matangkad para hindi siya gumagapang ‘pag pumapasok ka sa loob ng sasakyan tapos ‘yung pintuhan nasa gilid tapos ‘yung makina Euro4 complience. wala kaming ini-endorso na partikular na brand o kya partikular na dealer ng mga sasakyan. Nasa kanila na ‘yan kung anong gusto nila and infact ‘yung tipong inaangal ng iba nawawala na daw ‘yung iconic itsura ng jeep edi gawin nilang ganun din. ani Suansing sa panayam ng DWIZ