Nilinaw ng Philippine Army na hindi inisyu ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang baril na ginamit ng reservist na si Private Vhon Martin Tanto sa pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Geralde sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Army Spokesman, Col. Benjamin Hao, posibleng personal na pag-aari ni Tanto ang ginamit nitong baril sa krimen, noong Lunes ng gabi.
Bagaman nakagawa anya ng krimen ang suspek, hindi ito maaaring isailalim sa court martial lalo’t hindi naman siya aktibong personnel ng militar.
Tiniyak naman ni Hao na papanatugin nila sa batas si Tanto sa oras na mahuli ito, buhay man o patay.
Bahagi ng pahayag ni Army Spokesman Col. Benjamin Hao
By Drew Nacino | ChaCha