Kinumpirma ng Philippine Army na nasa listahan nga ng kanilang Reservists ang bumaril sa isang nagbibisikleta sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Army Spokesman Colonel Benjamin Hao, may ginagawa na ang officer ng suspect na si Von Tanto para pasukuin ito.
Hindi pa makontak sa ngayon si Tanto ngunit pupuntahan ito sa bahay kung kakailanganin.
Bilang inisyal na aksyon ng Army, sinabi ni Hao na tinanggal na nila si Tanto sa listahan ng Reservists upang mabigyan ito ng pagkakataong harapin ang kinasasangkutang kaso
By: Avee Devierte