Nagbabala ang embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea sa publiko kaugnay sa mga nag aalok ng pekeng visa processing services.
Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA, madalas na ginagamit ang Facebook para i-advertise ang visa service at sinasabing tutulungan ang mga Pilipino na gustong makakuha ng visa para makapag trabaho at manatili sa South Korea.
Sinabi pa ng DFA na hindi nag aalok ang Korea Immigration Service ng ganitong serbisyo para maiproseso ang visa applications ng mga irregular at undocumented migrants na naka base sa Korea.
Payo ng DFA, huwag makipag transaksiyon sa mga kahina – hinalang alok sa Facebook at huwag nang ibahagi kung may makikitang ganitong post sa social media.
Ipinaalala ng DFA na una nang pinadali ng South Korean Government ang pagkuha ng visa sa mga turistang Pilipino sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga requirements para sa visa applications.