Hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang Philippine Embassy sa Iraq na siguruhing bukas ang lahat ng komunikasyon para mabilis na mako-kontak ng mga Pilipino duon.
Kasunod ito ng itinaas na alert level 4 sa Iraq kung saan nagpatupad na ng mandatory repatriation sa mga Pilipinong nanatili pa rin duon sa kabila ng tumitinding kaguluhan.
Ayon kay Villanueva, madali sanang makontak ng mga Pilipino ang Embahada para mabilis silang makuha at maayos ang kanilang pag aalis sa naturang bansa.
Aniya, inaasahang walang kahit isang Pilipino ang maiiwan sa repatriation na gagawin sa Iraq.