Tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Detroit Pistons sa iskor na 147-116.
Nilampaso ng 76ers ang Pistons sa una hanggang sa ikatlong quarter matapos pangunahan ni Joel Embiid ng makapagtala ng 36 points, 11 rebounds at isang assist.
Nakaambag din sa koponan sina James Harden at Tyrese Maxey na parehong nakapagtala ng 16 points.
Abangan naman bukas ang susunod na laban ng 76ers kung saan, kanilang makakalaban ang Oklahoma City Thunder, alas-otso ng umaga oras sa Pilipinas.