Aminado ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na mas nahihirapan sila ngayon sa pagproseso ng hospital claims.
Ayon kay Philhealth Chief Dante Gierran, natambakan sila ng claims dahil sa pandemya.
Sa ngayon kasi aniya ay umaabot sa 39,000 claims ang kanilang pinoproseso kada araw at kulang din aniya sila ng tao.
Maliban dito ay problema rin aniya nila ang ginagamit nilang IT system.
Sinabi naman ni Gierran na ginagamit nila ang debit-credit payment method upang agad na mabayaran ang portion ng claims habang isinasagawa ang pagbeberipika sa mga ito.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico