Isang kasunduan ang nilagdaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Information and Communication Technology (DICT).
Ito’y ayon sa PhilHealth para magkaruon ng synchronized at well-coordinated ICT system bukod sa higit pang matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at applications ng dalawang ahensya.
Dahil sa Memorandum of Agreement tiniyak ng philhealth ang pagpapalakas pa ng serbisyo sa 111 million Filipinos kahit nasa ibayong dagat pa.
Binigyang-diin ni PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma, Jr. na malaking bagay ang pagkakasa ng nasabing kasunduan bilang tugon sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. na paigtingin pa ang serbisyo sa mga Pilipino.
Itinuturing naman ni DICT Secretary Ivan John Uy na “Milestone” Sa pagsusulong ng e-governance ang naturang hakbangin na kasagutan sa matagal na aniyang hamon nang pagdi digitize ng public health care.