Nangako ang mga opisyal ng PhilHealth at Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAP) na magkakasundo na sa isyu ng mga umanoy hindi pa nabayarang reimbursement claims.
Ipinabatid ito ni Senador Bong Go matapos magpulong ang mga kinatawan ng magkabilang panig.
Sinabi aniya ng PhilHealth officials na kakausapin nito ang pamunuan ng ibat-ibang private hospitals para ma-reconcile ang kanilang claims.
Una nang inihayag ni Go na ipapatawag niya ang mga opisyal ng PhilHealth at PHAP para ma-plantsa ang problema dahil naiitindihan niyang dapat mabayaran ang mga ospital subalit hindi naman dapat mapabayaan ang mga pasyente.
Kasunod na rin ito ng banta ng mga pribadong ospital na hindi na magre-renew ng kanilang accreditation dahil sa utang pa anila ng PhilHealth sa kanila.