HomeNATIONAL NEWSKahandaan ni SP Escudero na bigyan ng kopya ng transcript ang ICC kaugnay sa pagdinig ng senado sa war on drugs, kukuwestyunin ni Sen. Bato
Binalaan ng PhilHealth o Philippine Health Insurance ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) hinggil sa mga pekeng resibo ng premium contribution payments.
Ito ay matapos makarating sa PhilHealth ang ulat na may mga recruitment agencies ang nag-iisyu ng mga pekeng PhilHealth Official Receipts o POR sa mga OFW bilang bahagi ng pag-proseso ng kanilang mga dokumento.
Ipinaalala ng PhilHealth na tanging ang kanilang regional at local health insurance offices lamang ang awtorisadong mag-isyu ng POR.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang PhilHealth para matukoy ang mga nasa likod ng naturang iligal na gawain.
By Ralph Obina
PhilHealth binalaan ang mga OFW sa mga pekeng resibo ng kontribusyon was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882