Binayaran na ng philhealth ang kalahati ng utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) para sa pagsasagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Ayon kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, naglabas na sila ng P500 milyong bilang partial payment sa PRC.
Tiniyak naman ni Gierran na agad din aaksyunan ng ahensya ang natitira pang utang sa PRC.
Ang anunsyong ito ay ginawa ng PhilHealth matapos na ihayag ng OCTA Research Group ang posibleng epekto ng pagpapatigil sa COVID-19 testing ng PRC dahil sa hindi pagbabayad ng utang ng PhilHealth sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.