Binigyan na lamang hanggang sa susunod na linggo ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated ang PhilHealth bago nila tuluyang putulin ang kanilang accreditation.
Matatandaang nagbabala ang mga pribadong ospital na magpapa-disaccredit sa PhilHealth dahil sa utang nitong umaabot sa 700 million pesos.
Ayon kay PHAPI President Dr. Rustico Jimenez, itutuloy nila ang kanilang pagkalas sa PhilHealth kung hindi ito magbabayad o igigiit pa rin na wala silang utang.
Umaasa naman ang PhilHealth na hindi ito itutuloy ng mga pribadong ospital.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Dr. Israel Pargas, sinusuri na nila ang mga records upang maberipika ang mga nabayaran na at mga dapat pang bayaran sa mga pribadong ospital.
Kung matutuloy ang disaccreditation ay hindi magagamit ng mga PhilHealth members ang kanilang benepisyo sa mga pribadong ospital.
—-