Bukas ang PhilHealth sa panawagan ng unyon ng mga mangagawa ng ahenisya kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng caretaker.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo, ipinauubaya na nila sa Malacañang o sa pangulo ang pagpapasiya kung pagbibigyan ang nabanggit na kahilingan ng grupo.
Sinabi ni Domingo, hindi niya batid ang konteksto sa nabanggit na kahilingan ng grupo ng mga manggagawa ng PhilHealth, bagama’t kanila itong nirerespeto.
Nararapat din naman aniyang maglagay ng caretaker kung magtutuloy-tuloy na pagleleave sa tungkulin ni PhilHealth president Ricardo Morales.
Una na ring sinabi ni Domingo na hindi pa epektibo ang leave of absence ni Morales kung saan dumalo pa ito, virtually, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth ngayong araw.
We welcome any investigation on what’s happening in PhilHealth, or what’s being alleged against PhilHealth,” ani Domingo.