Iginiit ni Sen. Sonny Angara na isailalim sa special audit ang PhilHealth kasunod ng pagbubulgar sa ‘di umano’y katiwalian at iregularidad sa ahensya.
Ayon kay Angara, pangunahin na dapat pagtuunan ang sinasabing mabilis na pag-release sa mga umano’y pinaborang ospital at healthcare institutions ngayong may pandemya.
Kailangan din umanong busisiin ang sinabi ng isang opisyal ng PhilHealth na hanggang 2021 na lang ang itatagal ng pondo ng PhilHealth kapag nagpatuloy pa ang COVID-19 pandemic.
Gayundin ang information technology program ng ahensya na itinutulak ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales at kung saan ‘di umano’y may overpricing.
Aniya dapat ang Commission on Audit umano at governance commission on government owned and controlled corporations ang kailangang magsagawa ng mga ito.