Umapela ang mga empleyado ng PhilHealth na huwag sanang lahatin sa alegasyon ng katiwalian ang lahat ng empleyado ng ahensya .
Ayon Kay Ma. Fe Francisco, pangulo ng Philhealth Workers for Hope, Integrity , Transparency and Empowerment (WHITE), lumalabas kasi sa pahayag ng mga senador at mga nag-iimbestiga na sangkot ang lahat ng empleyado ng PhilHealth sa korapsyon.
Binigyang diin ni Francisco na demoralisado na ang mga empleyado ng PhilHealth nasasaktan na sa mga alegasyon kayat nananawagan sila na itigil ang sweeping at general statements kung saan damay ang lahat ng empleyado ng PhilHealth.