Hindi rin makadadalo sa susunod na pagdinig ng Senado sa isyu ng katiwalian sa PhilHealth ang EVP at COO ng ahensiya na si Arnel De Jesus.
Batay sa ipinadalang liham ni De Jesus kay Senate President Vicente Sotto III, sinabi nito na kasalukuyan siyang humaharap sa problemang pangkalusugan.
Kalakip ng liham ni De Jesus ang ipinalabas na medical certificate ng Asian Hospital at Medical Center bilang patunay na na-confine ito simula pa noong Agosto 5.
Nakasaad din ang findings kay De Jesus na kinabibilangan ng acute coronary syndrome, hypertensive heart disease, diabetes mellitus type 2 at dyslipidemia.
Gayundin ang nakatakdang pagsasailalim kay De Jesus sa coronary angiogram, angioplasty at pulse generator replacement.
TINGNAN: PhilHealth EVP at COO Arnel De Jesus nagpadala kay Senate President Vicente Sotto III ng sulat na hindi ito makakadalo ng Senate hearing sa Martes dahil sa kadahilanang pangkalusugan | via @blcb (Patrol 19) pic.twitter.com/o5X5R65WgR
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 8, 2020