Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran na ang mga claims sa ilang ospital sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangang iproseso na agad ng PhilHealth ang pagbabayad sa mga ospital kung saan dapat kumpleto ang mga dokumentong kanilang ibibigay at dapat may legal basis ang mga ito.
Binigyang diin pa ni Duque na may sapat na pondo naman ang PhilHealth para bayaran ang mga obligasyon nito sa ospital.
Ipinabatid naman ng ilang senador na kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang health services o claims ng mga ospital ay maaaring magsara ang ilang ospital sa bansa.
Kapag nangyari ito ay mapeperwisyo ang publiko at ang mga nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.