Umaasa ang PhilHealth na pag-iisipan ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang pagpapatupad ng “PhilHealth Holiday” upang suportahan ang mga ospital na nagpoprotesta sa mga hindi nabayarang claim sa mula Enero a-primero hanggang a-singko.
Matatandaang lumobo ang PhilHealth claims sa panahon ng pandemya dahil sakop nito ang pagpapaospital ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon sa PhilHealth sa ilalim ng third wave, ang mga ospital na gumagamot sa mga pasyenteng may COVID-19 at nag-aalok ng PhilHealth testing package ay maaaring makakuha ng debit credit payment method.
Samantala, umapela naman si Health Secretary Francisco Duque III sa partner hospitals na huwag kumalas sa insurer sa gitna ng pandemya, aniya, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maayos ang mga isyu na may kaugnayan sa PhilHealth.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang PhilHealth upang maayos ang isyu sa claims reimbursement ng mga ospital.—sa panulat ni Angelica Doctolero