Inanunsyo ng PhilHealth na bukas na sa publiko ang hotline nito na (02) 8862-2588 at matatawagan anumang oras kahit na weekend o holiday.
Ayon kay PhilHealth president at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. Ang serbisyo na ito ay maaari nang magamit lalo na ng mga kababayan nating OFWs anumang araw at oras.
Inilunsad din ng PhilHealth ang “Click to Call” Channel kung saan maaaring pindutin ang “Click to Call” Logo sa kanang-ibabang bahagi ng website ng ahensya para may makausap na live agent na bukas din bente kwatro oras araw araw.
Maaari ring mag-request ng callback ang mga miyembro. I-text lamang ang “phicallback” <space> mobile number na tatawagan <space> “ang inyong katanungan” Sa 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987 at 0917-1109812.
Nagpaalala naman si Ledesma sa mga miyembro na gagamit ng callback channel na maging maingat at siguruhing lehitimong empleyado ng Philhealth ang kausap.
Upang maiwasan na ma-scam ng mga mapagsamantala
Dagdag pa ni Ledesma na ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng layunin ng PhilHealth na pagpapabuti ng kanilang serbisyo upang ang mga miyembro ay maging updated sa kanilang health insurance benefits.
Hinihikayat din niya na bumisita sa www.PhilHealth.gov.ph/ at i-follow ang facebook page na @philhealth official at x account @teamphilhealth upang masubaybayan ang mga bagong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng PhilHealth.