Ikinukunsidera ng PhilHealth na sagutin na ang lahat ng gastos ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kabilang sa 18-milyong pamilya na indigents.
Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa maaaring tulong na kanilang magagawa para sa mga indigent na apektado ng COVID-19.
Binigyang diin ni Morales na sila ay fully covered na ng PhilHealth at hindi na kailangan mag-apply pa para sa karagdagang coverage.
Kasabay nito, ipinaalala naman ni Morales sa mga hindi indigent na kailangan pa rin sundin ang bagong benefit package ng PhilHealth at panibagong aplikasyon para sa karagdagang coverage.