Inamin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagkakaantala sa kanilang pagproseso ng claims para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y sa gitna ng panawagan ng Philippine Hospital Association (PHA) kaugnay sa hindi pa nababayarang claims ng PhilHealth sa marami pang ospital sa bansa.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, naapektuhan din ng pandemya ang workforce ng ahensya.
Ani Domingo, marami rin sa kanilang mga empleyado ang kinakailangang i-confine o mag-isolate matapos ma-exposed o magpositibo sa COVID-19.
Una rito, inihayag ng PHA na napipilitan na ang mga pampubliko at pribadong ospital na gamitin ang kanilang savings o di kaya ay umutang sa mga bangko para lamang maipagpatuloy ang kanilang operasyon dahil sa pagkabigo pa rin ng PhilHealth na mabayaran ang claims para sa COVID-19 cases.