Nanganganib nang mabangkarote o mag-collapsed ang PhilHealth.
Ito ang inamin ni Nerissa Santiago, Senior Vice President for actuarial services at waste management sector ng PhilHealth sa gitna ng pagdinig sa senado.
Ayon kay Santiago, paubos na ang pondo ng PhilHealth dahil bumaba ang koleksyon mula sa mga miyembro at lumaki pa ang gastos dahil sa pagbabayad ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19.
Ani Santiago posibleng isang taon na lamang tumagal ang pondong mayroon ang PhilHealth at wala na itong reserbang pondo.
Dahil dito aniya maaaring mawala na nang tuluyan ang PhilHealth sa 2022.
By next year wala na tayong reserve fund so, 1 year lang,” ani Santiago.
Dagdag pa nito bago pa dumating ang pandemya, 10 taon pa sana ang itatagal ng pondo ng kanilang tanggapan.
Sinabi naman ni Santiago na ang posibleng solusyon para maagapan ang pagkaubos ng pondo ng PhilHealth ay ang subsidy ng gobyerno at mas malaking koleksyon mula sa mga miyembro.
Additional COVID payouts so, yun lang yung aming matatanggap from the government and of course the direct contributors, we are limited by the law in terms of contribution and we expect the grace in terms of payers sa direct,” ani Santiago.