Tiniyak ni PhilHealth President Alex Padilla na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Ito ay matapos lumabas ang report na nanganganib nang mabangkarote ang PhilHealth sa loob ng 6 na buwan.
“Wala pong katotohanan ito, ang reserve po ng PhilHealth ay from 2012 na 112 billion lamang, ngayon po ang reserve namin ay mga 128 billion, wala naman po kaming kaba na this will be depleted.” Ani Padilla.
Nilinaw ni Padilla na marahil ay hindi lamang naunawaan ng lokal na media ang pahayag ng kanilang board member nang dumalo ito sa pagbubukas ng kanilang tanggapan sa Bicol.
Iginiit ni Padilla na hindi katulad ng ibang insurance company, hindi nangangailangan ang PhilHealth ng malaking reserbang pondo dahil wala naman silang produkto na pension at retirement fund.
“Ibang-iba ito sa normal insurance company or even sa GSIS or SSS, doon po palakihan ng reserves dahil meron silang pension fund, retirement at mga loan, PhilHealth po wala, it’s a pay as you go system, kung magkano ang nakokolekta namin in terms of premium, we try to give back in terms of benefits.” Pahayag ni Padilla.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)