Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sumusunod lamang sila sa joint memorandum ng DOH at CHEd hinggil sa pag-oobliga sa mga mag-aaral na kumuha ng health insurance bago makabalik sa face-to-face classes.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs at Spokesperson Dr. Shirley Domingo, layon nito na maprotektahan ang mga mag-aaral sakaling tamaan sila ng COVID-19 o iba pang sakit.
Kailangan lamang aniyang magparehistro ng mga estudyanteng edad 21 pataas para makasama sila sa database ng PhilHealth at mapadali ang pag-access sa mga benepisyo.
Samantala, ipinaliwanag din ni Domingo na ang lahat ng mga Pilipino ay otomatikong miyembro na ng PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care Law.