Maglalabas ng P30-bilyong advance payment ang PhilHealth sa mga miyembro nitong ospital.
Layon nito na may magamit na pondo ang mga ospital para makatugon sa pagdagsa ng mga pasyente na maaaring may impeksyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang halaga na ipagkakaloob sa bawat ospital ay katumbas ng kanilang tatlong buwang singilin sa PhilHealth, batay sa mga nagdaang datos.
Sa ilalim ito ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) kung saan ibabawas na lamang sa future claims ng ospital ang matatanggap nilang pondo.