Muling nagpahayag ng kahandaan ang Philippine Health Insurance Commission (PhilHealth) na humarap sa anumang imbestigasyon.
Kasunod ito ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na bumuo ng task force na siyang mag-iimbestiga sa alegasyon ng kurapsyon sa ahensiya.
Gayundin ng pagsasailalim sa lifestyle check ng mga opisyal ng PhilHealth at pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa mga mapapatunayang sangkot sa anomalya.
Ayon kay PhilHealth Spokespeson Dr. Shirley Domingo, dati nang nakikipagtulungan ang ahensiya sa mga naunang imbestigasyon na isinagawa noon ng nbi o national bureau of investigation at Office of the Ombudsman.
Iginiit ni Domingo, paraan na rin anila ito upang mabigyan ng pagkakataon ang PhilHealth na makapag-bigay ng kanilang panig laban sa ibinabatong isyu ng kurapsyon.