Pinaalalahanan ng PHILHEALTH ang kanilang mga miyembro na panatilihing aktibo ang kanilang membership upang maiwasan ang anumang aberya sa pagkamit ng benepisyo.
Ayon sa PHILHEALTH, dapat tiyakin ng mga miyembro na sapat ang bilang at walang patlang ang kanilang hulog upang makamit ang benepisyong medikal kung kinakailangan.
Maliban dito, dapat ding siguraduhin na accredited ng PHILHEALTH ang pupuntahang ospital o pagamutan maging ang manggagamot.
Para naman sa mga hindi aktibong miyembro na nais muling gawing aktibo ang kanilang pagiging miyembro ay maaari bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng PHILHEALTH.
SMW: RPE