Pinaalalahanan ng PhilHealth ang kanilang accredited health facility na ibawas kaagad ang disckuwento ng Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) sa kanilang medfical bills, bago magbayad at lumabas ng ospital.
Ito ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanue Ledesma, Jr. ay matapos makatanggap ng report ang ahensya hinggil sa hindi pagbabawas ng discount sa kabila nang ipinadala nilang PhilHealth advisory 2023-0036 sa kanilang partner hospitals.
Ang mga naturang diskuwento ay nakapaloob sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act At Republic Act 10754 o Expanded Benefits and Privileges of Persons with Disability Act ..na nakabatay rin sa performance commitment ng mga pasilidad sa philhealth.
Ipinabatid ni Ledesama na dapat unang ibawas ang 12 % vat exemption, sunod ang 20 percent senior o PWD discount bago ang PhilHealth benefits.
Binigyang diin ni Ledesma na dapat sundin ang itinatakda ng batas hinggil sa karapatan ng mga Senior Citizens at PWD’s.
Kaugnay pa nito, tiniyak ni Ledesma ang pag aksyon sakaling makatanggap muli ng report hinggil sa hindi pagbawas ng mga discounts sa medical bills ng PWD’s at senior citizens bago tuluyang makalabas ng ospital kaya’t bukas ang kanilang contact numbers 09178987442 at social media accounts gayundin ang office of the senior citizens affairs sa kanilang LGU o sa National Council for Disability Affairs para rito.