Natuklasan ng pamunuan ng PHILHEALTH na mayroong mga nagpapanggap na empleyado at nangongolekta ng fee para sa pag-ayos ng PHILHEALTH ID.
Iginiit ng PHILHEALTH na walang bayad ang ID para sa kanilang mga miyembro.
Bunsod nito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na magkipagtransaksyon lamang sa PHILHEALTH local office o PHILHEALTH express para hindi mabiktima.
Kung mabibiktima naman ng ganitong modus, hinihimok ng PHILHEALTH ang publiko na agad itong i-report sa kanilang action center sa pamamagitan ng pagtawag sa 441-7442 o ‘di kaya ay mag email sa actioncenter@philhealth.gov.ph.
By: Meann Tanbio
PHILHEALTH nagbabala sa publiko sa mga nagpapanggap empleyado ng ahensya was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882