Nagpalabas na ng paunang pondo na mahigit 257 million pesos ang Philhealth para sa PCPN’s o Primary Care Provider Neworks bilang pagpapalakas pa ang primary care benefit na Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package.
Ayon kay Philhealth President & CEO Emmanuel Ledesma, Jr., malaking tulong ang pondo sa accredited Konsulta facilities sa ilalim ng partner networks para masigurong makapag a-avail ang mga miyembro ng Philhealth ng mga serbisyo ng Konsulta mula konsultasyon, health screening at assessment gayundin ang pagbibigay ng tamang gamot at laboratory base sa rekomendasyon ng Konsulta provider.
Ipinabatid pa ni President Ledesma na apat sa unang pitong PCPN sa ilalim ng sandbox setting o kinabibilangan ng Quezon Province, South Cotabato, Bataan at Baguio City ang nabigyan na nila ng pondo bago pa man maibigay ang serbisyo upang maihanda na rin ang kanilang mga pasilidad para sa mga pasyenteng nagmumula pa lalo na sa mga malalayong lugar.
Tiniyak pa ni President Ledesma ang pakikiisa sa Lab for All o laboratoryo, konsulta at gamot para sa lahat caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos upang higit na mapalakas ang Konsulta package kung saan sa nasa 14,000 beneficiaries na ang naserbisyuhan sa unang 17 caravan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at National Capital Region.