Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa publiko laban sa pagkakaroon ng mataas na presyon o altapresyon lalo na ngayong tag-init.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng hypertension awareness month ngayong buwan ng Mayo.
Ang altapresyon ay ang labis na pagtaas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat ng isang tao o kapag ito ay umabot o mas mataas sa 140/90 millimeters of mercury. Ang mga maaaring dahilan nito ay edad, namana sa magulang, at Poor Plifestyle
Binigyang-diin ni Philhealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr., ang kahalagahan ng Philhealth konsultasyong sulit at tama o konsulta package, ang pinalawak na primary care benefit para sa lahat ng filipino.
Layunin ng PhilHealth konsulta na maagang makita ang anumang karamdaman at maagapan ang paglala ng sakit gaya ng hypertension. Kasama sa paketeng ito ang konsultasyon, health screening, laboratory at mga gamot,” paliwanag ni Ledesma.
Hinikayat din ni Ledesma na magparehistro at gamitin ang benepisyo ng philhealth konsulta “upang makaiwas sa mas magastos na gamutan bunga ng paglala ng kondisyon ng pasyente sa mga sakit na maaari namang maagapan gaya ng mataas ng presyon ng dugo.
Ang lahat ng miyembro ng PhilHealth ay maaaring magparehistro sa mapipiling konsulta provider sa pamamagitan ng self o assisted registration.