Nagpaliwanag ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth hinggil sa pagpapatupad ng dagdag na premium contribution ng kanilang mga miyembro.
Ayon kay PhilHealth Interim / Officer-in-Charge and CEO Dr. Celestina Ma. Jude Dela Serna na matagal nang dapat ipinatupad ang naturang dagdag kontribusyon.
Gayunman, binigyang diin ni Dela Serna na sa pamamagitan nito ay lalakas naman ang financial situation ng PhilHealth na layong matugunan ang health insurance benefit packages at frontline services.
Binigyang diin ng opisyal na kinakailangan ang premium rate adjustment upang patuloy na maibigay ang benefit packages na kailangan ng mga miyembro.
—-