Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi sila nakababayad ng bilyun-bilyong pisong claims sa mga ospital.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, sa katunayan ay nakikipag-dayalogo na sila sa mga ospital upang ayusin ang kanilang utang.
Nabayaran na anya ng state health insurer ang nasa 152.8 billion pesos o 75% ng total claims, kabilang ang mga non-COVID claims ng mga ospital.
Una nang isiniwalat ng Private Hospitals Association of the Philippines incorporated (PHAPI) na mayroon pang mahigit 20 billion pesos na utang sa kanila ang PhilHealth hanggang nitong Agosto.
Nagbanta rin ang PHAPI na kakalas na sila sa PhilHealth sa oras na hindi mabayaran ang balanse. —sa panulat ni Drew Nacino