Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilang pribadong ospital hinggil sa delayed na pagbabayad sa claims.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ni-re-reconcile na ang datos ng halaga ng kailangang bayaran na bahagi ng unang hakbang upang ma-proseso ang claims.
December 29 nang i-anunsyo ng PhilHealth ang isang buwang extension ng validity ng lahat ng accredited health facilities.
Ito’y makaraang magbanta ang ilang private hospital sa Iloilo City na kakalas sa state health insurer kung hindi babayaran ang claims.
Gayunman, ipinagpaliban ang naturang plano at binigyang pagkakataon ng mga nasabing ospital ang PhilHealth na makapagbayad hanggang katapusan ng Enero.